ISANG grupo ng imbestigador ang binuo ng Ombudsman upang imbestigahan ang maanomalya umanong pagpapatupad ng mga opisyal ng Bureau of Customs sa Good Conduct Time Allowance law.
“(T)he Office of the Ombudsman has the power to investigate and prosecute on its own or on complaint by any person, any act or omission of any public officer or employee, office or agency, when such act or omission appears lo be illegal, unjust, improper or inefficient.
Sa ilalim ng Ombudsman Act, ang Ombudsman ang may pangunahing jurisdiction sa mga kaso na isasampa sa Sandiganbayan.
“Since the Ombudsman has assumed jurisdiction over this case, no other agency is allowed to conduct a parallel investigation unless so authorized by the Ombudsman pursuant to law,” ani Ombudsman Samuel Martires.
Upang hindi umano magkaroon ng problema sa magiging resulta ng imbestigasyon, dapat ay hindi ituloy ng Presidential Anti-Corruption Commission ang inanunsyo nitong imbestigasyon.
Nakalabas umano ang 1,914 convict sa heinous crime mula noong 2014 dahil sa GCTA law.