LPA magiging bagyo, Liwayway palayo na

ISANG low pressure area, na posibleng maging bagyo, ang binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.

Ang bagyong Liwayway ay patuloy naman ang pag-usad papalayo sa Philippine Area of Responsibility.

Ang LPA ay namataan sa layong 865 kilometro sa silangan-hilagang silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Maaari umanong maging bagyo ang LPA sa loob ng dalawang araw.

Tatawagin itong bagyong Marilyn kapag naging bagyo.

Read more...