Arci napaiyak sa wish ng ina para sa kanyang lovelife


“BALIW ako sa pag-ibig!” Yan ang inamin ni Ina Raymundo tungkol sa ginawa niyang pagpapakasal kahit na nasa kasagsagan pa ang kanyang showbiz career.

Sa nakaraang presscon ng pelikulang “Open” na pinagbibidahan nina JC Santos at Arci Muñoz, natanong si Ina kung ano ang pinakabaliw niyang ginawa para sa pag-ibig – ito nga ang desisyon niyang iwan ang career kapalit ng lovelife.

“I was at my peak of my career, when he (husband) got me pregnant. May dalawang movies ako, may album ako, so sobrang nasa peak ako. Tapos umalis ako, I left everything. I chose my husband, and no regrets. So baliw ako sa pag-ibig, sa kaniya,” paliwanag ng tinaguriang hot mama.

Nakilala si Ina bilang sexy actress noong dekada 90, tumatak sa kanya ang titulong “Sabado Nights Girl” dahil na rin sa ginawa niyang commercial para sa isang brand ng alak.

Pero bigla na lang siyang nabuntis at nagpakasal nga noong 2003 sa Ukrainian-Canadian businessman na si Biran Poturnak. Sa ngayon ay may lima na silang anak. Kaya naman marami ang humahanga sa disiplina ng aktres dahil kahit lima na ang kanyang anak ay seksing-seksi pa rin siya.

Inamin din ni Ina na may “phobia” siya sa pakikipagrelasyon noong kabataan niya, kaya aniya, kung dalaga siya ngayon baka pwede siyang pumayag sa isang open relationship tulad ng tema ng kanilang pelikulang “Open” na idinirek ni Andoy Ranay.

“Kung dalaga ako, kasi commitment-phobic ako nu’ng dalaga ako, so siguro posible (open relationship). Pero wala kasi akong naging boyfriend na nag-offer ng ganu’n, kasi I’d never had a long term relationship, so never kong na-experience” chika pa ni Ina. Aniya, three months daw ang pinakamatagal niyang nakarelasyon noon.

Mensahe naman niya sa lahat ng mga manonod ng “Open”, “Let’s be honest, hindi lahat ng tao pare-pareho ang pananaw sa isang relasyon. Meron talagang very open minded, merong sagrado. So, may mga tao talagang experimental. And why would we judge them? So may mga tao talagang bago siya mag-settle down, gusto niyang to be with someone at the same time she wants freedom. So it does happen.”

Mapapanood n’yo na ang “Open” sa Sept. 13 bilang isa sa mga entries ng Pista Ng Pelikulang Pilipino 2019.

q q q

Speaking of Arci Muñoz, nag-explain naman ang dalaga sa naging Instagram post niya kamakailan kung saan makikita ang bonding moments nila ng kanyang nanay noong nagbakasyon sila sa Japan.

Naiyak kasi ang dalaga sa naging mensahe sa kanya ng ina tungkol sa kanyang lovelife. Ito’y matapos ngang aminin ni Arci na hiwalay na sila ng boyfriend na si Anthony Ng.

“I wish Mona will (be) blessed with a loving and caring partner in life,” ang mensahe raw kay Arci ng kanyang nanay. Paliwanag naman ng dalaga, “Siguro naman, all of our mothers wanted us to have…siyempre nanay ‘yun e. Siyempre she wanted me to find someone who will really take care of me and love me the way that I am.”

“Hindi ako naiiyak dahil heartbroken ako. Na-touch kasi ako kasi I didn’t expect that from my mom, ’cause we really don’t talk about relationships that much. Baka nawawalan na ng pag-asa yung nanay ko,” birong hirit pa Arci.

Read more...