Pamamalengke ni John Lloyd sa Cebu viral na; hindi apektado sa paglalayas ni Ellen


NAG-VIRAL na naman si John Lloyd Cruz sa social media matapos kumalat ang mga litrato niya habang namamalengke sa Cebu.

Sa mga nasabing litrato na ipinost sa Facebook page na Bisayang Travelista Travel & Tours kamakailan, mukhang masayang-masaya naman si Lloydie.

Parang wala namang bakas na may pinagdaraanan sila ngayon ng partner niyang si Ellen Adarna.

Nabalita kasi kamakailan na nilayasan na raw ng dating sexy star si John Lloyd dala ang kanilang anak na si Elias.

Sa ilang photo sa FB makikita na pinagkakaguluhan ang aktor habang namimili ng isda sa Moalboal Fish & Meat Market. Maraming netizens ang nakapuna na nagpagupit na si Lloydie at nag-ahit na rin ng kanyang mahabang balbas at bigote kaya hindi na ito mukhang ermitanyo.

All smile naman ang isang babae sa isang litrato kasama si John Lloyd na tuwang-tuwa raw dahil pinagbigyan ng aktor ang hiling nitong makapagpa-picture sila.

Hanggang ngayon ay malabo pa ang pagbabalik sa showbiz ng aktor pero may naglalabasan ngang balita na may ginagawa raw itong project ngayon.

Huling napanood si John Lloyd sa sitcom ng ABS-CBN na Home Sweetie Home. Nakasama rin siya nina Piolo Pascual at Bea Alonzo para sa isang endorsement.

Read more...