Abusadong aktres nuknukan ng arte: Hindi na siya sikat, pero grabeng maningil ng talent fee!


MUKHANG hindi na makakaulit ang isang aktres sa mga project ng kilalang direktor at producer dahil abusado raw ito, ayon mismo sa ilang production staff.

Ang dami raw demands ng aktres, “Ayaw na namin, de-metro ang oras niya. Hindi na raw siya makakaulit pa sabi nina direk at ni ____ (producer) dahil bukod sa pasaway ang daming arte.

“Gusto may sariling kuwarto sa hotel, ayaw niya ng may ka-share dahil hindi siya sanay, hello! Sa ibang movie producer hindi naman siya ganyan.

“Hindi na siya kasikatan para mag-inarte. Daig pa niya ‘yung money maker ng isang movie outfit kung makapag-demand.

“Yung mga sikat na artista, okay sa kanila na apat sila sa kuwarto, siya na hindi naman bida, solong kuwarto? Grabe! Feeling talaga! Hindi na lang siya pinansin ng ibang artista sa mga kaartehan niya,” sabi ng aming source.

Kaya nagrereklamo ang production team ay dalawang sequence lang ang gagawin niya at three hours lang inabot ang aktres sa set pero kung makapag-demand daw ay ganu’n na lang.

Oo nga naman, talagang lipas na ang kasikatan ngayon ng aktres, pang support na lang siya sa mga sikat kaya sana adjust-adjust din kapag may time, lalo na sa sobrang taas ng hinihingi niyang talent fee.

Read more...