OFW kahit agrabyado na, sige pa rin! | Bandera

OFW kahit agrabyado na, sige pa rin!

Susan K |September 04,2019
facebook
share this

OFW kahit agrabyado na, sige pa rin!

Susan K - September 04, 2019 - 12:15 AM

MAARING isang maganda at hindi magandang katangian ng Pinoy ang pagiging matiisin kahit minsan ay wala na sa lugar.

Kahit saang bansa naroon ang Pinoy, nakakarinig tayo ng iba’t-ibang klase ng pang-aabuso sa ating mga kababayan, pero titiisin nila anuman iyon, huwag lamang umuwi pabalik ng Pilipinas.

Kahit pa magpalimos na lamang sila, manghingi ng donasyon, makikikain, makikitulog sa mga
kakilala o di pa nga kakilala, gagawin nila iyon upang manatili lamang sa bansang iyon.

Para sa iba, ginagawa nila iyon upang ilaban ang kanilang reklamo, at kahit paano, makakamit
nila ang hustisya sa pang-aabusong sinapit.

Pero marami din sa kanila ang pipiliing huwag umuwi at umaasang makakabawi pa naman sila, hangga’t nananatili sila sa abroad at may kaya pa namang magawa.

Ayaw nilang umuwi ng talunan at luhaan. Para sa kanila, ang pag-abroad ay katumbas ng pagtatagumpay.

Kaya may tinatawag silang todo-pasa, bahala na, kahit ano na lang, basta may
trabaho at may maipadadala sa pamilya, okay na yun!

Hanggang kailan nga ba magpapatuloy ang ganitong kaisipan ng Pinoy?

Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM(M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziqHelpline: 0998.991.BOCW E-mail: [email protected]/[email protected]

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending