Curfew ni Isko, ayos!

By Leifbilly Begas September 04,2019
share this

Curfew ni Isko, ayos!

By Leifbilly Begas September 04,2019
share this

NAGULO ang Kongreso sa isyu ng pagpapalabas sa kulungan ng mga nahatulang guilty sa paggawa ng karumaldumal na krimen.
Hirap na hirap nga naman ang mga otoridad na manghuli ng mga kriminal at matagal na proseso pa ang paglilitis, tapos pagkatapos na mapatunayang guilty, sandali lang ang bubunuin sa loob ng piitan dahil sa Good Conduct Time Allowance.
At ang masakit, Kongreso ang gumawa ng batas na ito na pinirmahan ng noon ay Pangulong Benigno Simeon Aquino III noong 2013.
Inaamyendahan ng Republic Act 10592 ang Revised Penal Code partikular ang Article 29, 94, 97, 98 at 99. Ito ‘yung mga artikulo kaugnay ng maibabawas sa oras na bubunuin ng isang preso kapag siya ay nagpakabait sa ob-lo.
Ang RA 10592 ay galing sa House bill 417 at Senate Bill 3064.
Ayon sa Article 29: “Provided, finally, That recidivists, habitual delinquents, escapees and persons charged with heinous crimes are EXCLUDED from the coverage of this Act.”
Malabo ba? Hindi daw kasali ang gumawa ng karumaldumal na krimen.
Nang gawin ang Implementing Rules and Regulation ng batas ay nakasaad na ito ay prospective. Ibig sabihin ang makikinabang lamang ay ang mga mahahatulan mula nang ipatupad ang batas. Hindi kasali ang nahatulan bago ang batas.
Pero kinuwestyon ito sa Korte Suprema. At sa desisyon ng Supreme Court dapat ay kasali ang lahat ng preso. Maging ang mga nahatulan bago ang batas.
Kaya lang nang ipatupad ng Bureau of Corrections at Department of Justice ang batas ay nakinabang pati ang mga guilty sa heinous crimes.
At ito ang dahilan ng kaguluhan ngayon.
At siya ring dahilan ng turuan ngayon kung sino ang dapat na sisihin sa pagpapalabas ng mga presong guilty sa paggawa ng karumaldumal na krimen.
***
Ayos ‘yung ordinansa sa Maynila na ipinag-utos ni Mayor Isko Moreno. Kaugnay ito sa pagpaparusa sa mga magulang na ang mga menor de edad na anak ay lumalabag sa curfew.
Ayon sa Manila City Ordinance 8547 ang curfew ay mula alas-10 ng gabi hanggang 4 ng umaga.
Ang mga magulang ng lalabag sa curfew na edad 15-17 ay pagmumultahin ng P2,000 o hanggang isang buwang kulong.
Ang mga magulang ng edad 13-14 ay P3,000 multa o hanggang tatlong buwang kulong at kung 12 anyos pababa ang edad ay P5,000 o hanggang anim na buwang pagkakakulong.
Panahon na para maging totoong mga magulang ang mga magulang. Hindi yung magulang lang sa papel o sa tawag. Anong mga lugar kaya ang susunod sa Maynila?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending