Endo pwedeng makinabang sa PhilHealth

By Liza Soriano September 04,2019
share this

Endo pwedeng makinabang sa PhilHealth

By Liza Soriano September 04,2019
share this

SABI ng PhilHealth, at least nine months contribution within a year bago magamit ang benepisyo. Paano po kung laging endo o hindi umaabot sa nine months ang contribution, hindi hindi na pwedeng gamitin ang PhilHealth? Bakit po binago ang ruling ng PhilHealth? Paano na lang kaming mga contractual na hindi agad nakakapasok agad ng trabaho? Hindi ba kami makaka-avail samantalang binabayaran naman namin. Sana ibalik uli sa dati na six months contribution pwede na magamit.
Khriaz de Guzman
B-66 kapitbabahan navotas mm
G./Bb.,

REPLY: Pagbati mula sa PhilHealth!

Ito po ay bilang pagtugon sa inyong email patungkol sa kontribusyon.

Nais po naming ipabatid na upang maipagpatuloy ang inyong hulog, maaari po kayong magbayad bilang isang Voluntary (Informal Economy Member) sa mga panahong kayo ay walang kontrata. Maaari kayong magtungo sa pinakamalapit na PhilHealth Local Health Insurance Office (LHIO) sa inyong lugar at magdala ng 2 valid IDs para sa beripikasyon.
Nawa’y nasagot po namin ang inyong katanungan.

Para po sa iba pang katanungan maaari po kayong mag e-mail muli sa amin o tumawag sa aming action center hotline sa numerong (02) 441-7442.

Maaari rin po ninyong bisitahin ang aming website sa www.philhealth.gov.ph

Philippine Health Insurance Corporation
www.philhealth.gov.ph
Welcome to the PhilHealth website! We are happy that you took time to browse over our web pages to check on the latest developments pertaining to your social health insurance coverage.

Maraming salamat po!
Lubos na gumagalang,
CORPORATE ACTION CENTER
Hotline: (02) 4417442
Text Hotline: (0917) 8987442
Website: www.philhealth.gov.ph
Email: [email protected]
FB: https://www.facebook.com/PhilHealthofficial/
Twitter: https://twitter.com/teamphilhealth
Youtube: www.youtube.com/teamphilhealth
1549439075296
Philippine Health Insurance Corporation
Welcome to the PhilHealth website! We are happy that you took time to browse over our web pages to check on the latest developments pertaining to your social health insurance coverage.
philhealth.gov.ph

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or [email protected] gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending