Nag-sorry si Angel Locsin sa mga taong sumugod sa Tuna Festival 2019 ng General Santos City nitong weekend.
Hindi nakapunta ang aktres sa nasabing event dahil bigla siyang nagkasakit. Kasama sana siya sa mga artistang magpe-perform doon with the other cast members ng seryeng The General’s Daughter.
Tweet ng aktres, “I’m so sorry Gen San (crying emoji) Super excited pa naman akong makasama kayo (crying emoji).”
Ipinost din niya ang litrato ng medical certificate mula sa kanyang orthopaedic doctor. May “parathoracic muscle strain” daw sa kaliwang bahagi ng katawan ng dalaga at nahihirapan din siyang huminga.
Tatlong araw siyang pinagpapahinga ng doktor, “Don’t worry, I’m okay… masamang damo alam nyo na… hehehe.”
“Pero babawi po ako sa inyo pag punta ko po dyan. Promise po magpaparaffle ako sa show (crying emoji),” dagdag pa niya.