Ex-mayor afraid sa manugang; baka tumakbo sa 2022 polls

By Den Macaranas September 04,2019
share this

Ex-mayor afraid sa manugang; baka tumakbo sa 2022 polls

By Den Macaranas September 04,2019
share this

BALIK sa kanyang pag-iikot sa kanilang lungsod ang isang talunang pulitiko noong nakaraang halalan.

Patunay ito na ngayon pa lang ay naghahanda na si Sir sa susunod na eleksyon pero sa pagkakataong ito ay target na niya ay makabalik sa dating pwesto sa kanilang city hall.

Halos lahat ng lamay sa kanilang lugar ay iniikot ng ating bida tulad ng kanyang ginagawa noong siya ay mayor pa ng lungsod.

Isang malaking setback ang nangyari sa tinitukoy nating pulitiko dahil hindi niya inakalang matatalo siya sa sariling balwarte.

Ang kanyang sinisisi ay ang ilang miyembro ng pamilya na umano’y nagkulang sa pagsuporta sa ginawa niyang pagtatangka na makabalik sa public service.

Pero may iba pa palang kwento dito ayon sa aking cricket sa city hall.

Isa sa gustong agapan ng ating bida ay ang plano ng kanyang manugang na tumakbong mayor sa susunod na halalan.

Kapag nanalo ang kanyang manugang ay ibang apelyedo na ang mamumuno sa kanilang city hall na siyang hindi papayagang mangyari ng ating bida.

Kundi rin lang naman sa kanyang anak ay mas gusto niyang bawiin ang dating trono para ituloy daw ang kanilang paglilingkod sa bayan.

Wala pang balak si Sir na isampay ang kanyang political jersey dahil may gusto pa raw siyang patunayan sa kanyang mga kababayan.

Ang bida sa ating kwento ngayong araw ay si dating Mayor J….as in Jejemon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending