435 menor de edad dinampot sa Manila curfew

ISKO MORENO

UMABOT sa 435 menor de edad ang nadampot ng mga pulis sa Maynila bilang bahagi ng pagpapatupad ng curfew na inutos ni Mayor Isko Moreno.

Animnapu’t apat ang nadampot sa nasasakupan ng Station 1 (Raxabago Tondo), sinundan ng 63 sa area ng Station 2 (Moriones Tondo) at 53 sa area ng Station 5 (Ermita), sabi ni Manila Police District director Brig. Gen. Vicente Danao sa kanyang ulat.

Nagpatupad din ng curfew at nakadampot ng mga menor de edad ang walo pang istasyon at iba pang unit ng MPD.

Ang mga nadamot ay itinuturing na “children at risk” o nanganganib na mabiktima o masangkot sa iligal na aktibidad, ani Danao.

Isinagawa ang pagpapatupad sa City Ordinance 8547 o curfew hours for minors simula alas-10 ng gabi Lunes hanggang alas-4 ng umaaga Martes.

Una dito, inutos ni Moreno ang mahigpit na pagpapatupad sa curfew, matapos maabutan ang ilang menor de edad na sumisinghot ng solvent nang maglibot sa lansangan noong Linggo.

Read more...