4 Kapamilya hunk napasubo kina Brenda Mage at Chad Kinis

BRENDA MAGE AT PAULO ANGELES

Game na game ang hunky guys na sina Paulo Angeles, Jameson Blake, McCoy de Leon at Mark Oblea na bida sa “G” when they guested sa Gandang Gabi, Vice last Sunday.

May isang game where they were asked questions na ang sagot ay nagsisimula sa letter G. Kapag nagkamali ay may parusa at kabilang doon ay ang mga ipagagawa kina Chad Kinis at Brenda Mage.

Parang Last Man Standing ang style ng game at kapag hindi nakapagbigay ng tamang sagot ay iki-kiss sina Chad Kinis at Brenda Mage.

Si Paulo Angeles ang unang nagkamali at sa huli ay siya ang may pinakamaraming maling sagot. Lahat naman ay nagkamali kaya naman they have no choice kundi halikan sina Chad at Brenda.

Kuwela ang portion kung saan hinalikan ni Paulo si Chad sa taas ng noo nito. Si Brenda naman ay hinalikan sa leeg ni Paulo.
Kay suwerte naman nina Brenda at Chad, ha. Ang daming nakahalik sa kanilang hunks.

Read more...