ISA na namang eksklusibong pasabog na interbyu ang inihatid ng nangungunang showbiz-oriented talk show sa bansa na The Buzz sa ABS-CBN last Sunday. This time, si Jackie Forster naman ang nagbigay linaw at naglabas ng kanyang saloobin sa isyu sa kanila ng kanyang mga anak sa ex-PBA player at komedyanteng si Benjie Paras.
Ilang beses pala nag-attempt si Jackie na sadyain ang kanyang mga anak sa bahay ni Benjie pero ‘di man lang daw niya nakita ang mga bata. Naniniwala si Jackie na ‘di totoo na ayaw siyang makita ng kanyang mga anak.
Tila hindi aware si Jackie sa sinabi ni Benjie sa interbyu na may nakita diumano ang mga anak niya sa kanya na dahilan para iwasan siya. Kaya tuloy iniisip ni Jackie na may pumipigil na makita siya ng mga bata.
We guess, eto sana muna ang inalam ni Jackie or sinabi kung ano kaya ‘yung nakita ng mga anak niya, na tila naging traumatic para lumayo ang loob ng mga anak sa kanya.
May insinuation din kasi sa interbyu ni Benjie na sinasaktan ni Jackie ang kanyang mga anak noong bata pa. Mukhang aminado naman si Jackie sa puntong ‘yun.
At gaya ng sabi niya, she’s too young when she became a mother. Kaya ‘yung pagdidisiplina niya sa mga bata possible nga na may halong pananakit bunsod na rin ng kawalan pa ng maturity ni Jackie that time.
Anyway, ginanap ang interbyu ni Jackie with The Buzz host na si Boy Abunda at around 9 p.m. noong Sabado. Hindi nga ba’t crayola pagaspas sa interbyu si Jackie.
But after the interbyu, nanood naman siya ng show sa Zirkoh Comedy Bar. Kinabukasan, umalis na siya ng bansa at bumalik na ng Malaysia sa piling ng kanyang Dutch husband and kids.
( Photo credit to Google )