Angel buhay-reyna kapag naging asawa na si Neil : Nag-iisang tagapagmana sa pamilya

NEIL ARCE AT ANGEL LOCSIN

Kapag lumalaki ang katawan ng lalaki, ang palaging komento ng mga nakapaligid, magaling mag-alaga ang kanyang misis o girlfriend. Paano naman kapag ang babae ang nadadagdagan ng timbang?

Ganu’n din kaya kasarap mag-alaga ng karelasyon ang young businessman na si Neil Arce, kaya pagpansin ng mga mas nakararami ay tumataba si Angel Locsin, kaya palaging nagsusuot ng jacket sa kanyang matagumpay na serye?

Wala pang anumang kumpirmasyong nanggagaling mula kina Neil at Angel kung kailan ang petsa ng kanilang kasal. Basta ang kumpirmado lang ay may sumpaan na silang lalagay sa tahimik nang silang dalawa ang magkasama.

Sabi ng isang nakatrabaho na ni Neil Arce sa kanyang produksiyon, “Napakasuwerte ni Angel dahil napakaresponsableng lalaki ang pakakasalan niya. Nakatrabaho na namin siya, kapag may sinabi siya, tinutupad niya.

“Huwag na ang sobrang yaman ni Neil, nag-iisang tagapagmana kasi siya ng family nila, hindi ‘yun mauubusan! Kaya nga nu’ng napabalitang meron daw siyang malaking pagkakautang, e, tinawanan lang niya ang balita.

“Kilalang-kilala niya kasi ang sarili niya, kilala rin namin siya, kalokohan ang kuwentong ‘yun!” depensa ng aming source sa boyfriend ni Angel Locsin.

Walang-walang dapat ipag-alala ang mga tagasuporta ni Angel Locsin sa kanyang magiging kinabukasan sa poder ni Neil Arce.

Read more...