Siniguro ni Vice Ganda: Walang dayaan sa TNT ng It’s Showtime

VICE GANDA

“Huwag n’yo sanang maramdaman na dinadaya kayo ng show na ito at may isang hurado na mandadaya sa inyo at magbibigay ng injustice.”

‘Yan ang mensahe ni Vice Ganda sa lahat ng mga sumasali sa Tawag Ng Tanghalan sa Showtime matapos ang kontrobersyang nilikha ng finalist na si Shantal Cuizon.

Na-bash nang bonggang-bongga si Shantal dahil sa offensive tweet niya laban kay Louie Ocampo na siyang tumayong Punong Hurado sa TNT nang mag-perform siya last Friday.

Hindi nagustuhan ni Shantal ang comments sa kanya ni Louie kaya matapos ang contest ay nag-post siya sa Twitter ng, “Hustisya!” at “Composer ka lang.”

Dahil dito, bugbog-sarado siya sa mga netizens at talagang pinagsalitaan siya ng masasama. Hindi na siguro niya nakayanan ang pambabatikos sa kanya sa social media kaya napilitan na siyang mag-issue ng public apology.

Sa episode last Saturday nagsalita si Shantal on national TV habang ini-interview ni Vice Ganda, “Gusto ko pong mag-public apology kay sir Louie Ocampo. Thank you po kasi kahit ano po iyong nararamdaman ninyo ay hindi niyo pa rin ako gi-nong.

“Nagsama-sama lang po yung pagod, puyat, stress and pressure sa iba’t ibang tao. Alam ko pong mali yung nagawa ko. Kaya po nagso-sorry ako kay Sir Louie, aniya pa.

Humanga naman si Vice sa tapang at sinseridad ni Shantal na mag-public apology kasabay ng pagsasabing walang dayaang nagaganap sa contest.

Read more...