Bianca: Sana gayahin natin si Sahaya, laban lang!

BIANCA UMALI AT MIGUEL TANFELIX

SA Biyernes na ng gabi ang finale ng Kapuso epic drama series na Sahaya nina Bianca Umali, Miguel Tanfelix at Migo Adecer.

Siyempre, inaatake na ng “sepanx” (separation anxiety) ang mga members ng cast dahil matagal-tagal din silang nagsama-sama sa halos araw-araw na taping ng teleserye. Pero sabi nga, lahat ay may katapusan kaya dasal ng buong production ay tutukan ng manonood ang huling linggo ng programa.

Sa panayam kay Bianca, natanong ang dalaga kung ano ang pinakatumatak sa kanyang aral sa pagganap bilang si Sahaya. Tugon niya, “Fight. No matter how hard, fight. I want Sahaya to be remembered as a uniquely epic show.”

Dagdag pa niya, “The best thing of giving life to Sahaya was learning her culture, yung kultura ng nga Badjaw. All the studying wasn’t just to learn for my role, but unexpectedly, I learned a lot of life changing lessons too.”

Anu-ano ang mga favorite at hindi niya malilimutang eksena sa serye? “My most favorite was when I danced ‘Igal’ (sayaw/prayer ng mga Sama Dilaut) in the middle of the sea on Sahaya’s bangka. And of course, lahat ng bloopers namin on and of cam.”

Paano nabago ng Sahaya ang kanyang buhay at pananaw tungkol sa mga Badjaw? “As I have said, she taught me so much more about life. I learned to have a different perspective of things because of going through the process of being Sahaya. I am in love with the culture of the Badjaos.

“Sometimes, the simpler things are the most memorable and treasured ones. She is not only one of the roles I got to portray. She’s not just another character or project. Sahaya is a milestone sa buhay ko.

Binigay ko lahat lahat ng makakaya ko para sa kanya at hanggang sa pagtanda ko, maipagmamalaki ko siya because I am proud of her,” aniya pa.

Read more...