Para sa may kaarawan ngayon: Inihahanda na ng langit ang iyong suwerte, kaya naman sa susunod na mga araw malaking halaga ng salapi ang matatanggap. Sa pag-ibig, hindi dapat na maging emosyonal, gamitin ang rason upang lumigaya. Mapalad ang 5, 18, 23, 33, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Adonai-Elohim.” Silver at lilac ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Kung sumablay ang diskarte, panahohn na upang magbago ng landas at ng paraan. Sa bilis at agad-agad na pagkilos mas madali kang uunlad. Sa pag-ibig, galingan ang romansa upang muling uminit ang medyo nanlalamig na relasyon. Mapalad ang 9, 18, 27, 34, 38 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Yaksha-Om-Umali.” Red at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Simulan ang bawat araw na puno ng pag-ibig at pagmamahal ang iyong puso. Kusang sinusuwerte ang mga Taurus sa pinansayal sa panahon sila ay “in love”. Buhayin ang pakikipag-relasyon sa isang Virgo. Mapalad ang 6, 12, 23, 33, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Krisna-Om-Mandala.” Purple at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—May hihipo sa iyo ngayon. Hihipuin ka ng magandang kapalaran, kaya anuman ang hilingin mo sa langit, isa-isang matutupad at magkakatotoo. Kaya wala kang dapat gawin ngayon, kundi – humiling na, bago pa tuluyang magbago ang ihip ng hangin! Mapalad ang 5, 19, 28, 37, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sol-Dasa-Om.” Violet at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Ang akala mong maling iniisip ay magiging tama pala. Kaya kungt ano ang kinakatakutan mo, yon din ang magbibigay sa iyo ng suwerte sa dakong huli. Dahil dito, hindi ka dapat mag-alala. Sa pag-ibig, isang masarap na romansa ang matitikman sa isang Scorpio na noon pa sa iyo umaalialigid. Mapalad ang 2, 16, 27, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Jhana-Om-Nama.” Green at red ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Apoy ang magbibigay ng suwerte! Tuwing gabi ipagdasal ang pagyaman, habang nakasindi ang kulay pulang kandila sa altar. Sa pag-ibig, ang underwear na kulay red ang lalo pang magpapalakas ng iyong sex appeal. Mapalad ang 1, 19, 27, 35, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.” Bukod sa yellow buenas ang orange.
Virgo – (August 23 – September 22)—Kumilos ka lang ng kumilos – sobrang layo ang iyong mararating. Ang tuloy-tuloy na pagkilos ay magbubunga ng limpak-limpak na salapi. Sa pag-ibig, wag makuntento sa pangarap, upang lumigaya ipatupad ang iyong mga balak. Mapalad ang 5, 14, 23, 31, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yasoda-Om.” Silver at white ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Pag-ibig sa pamilya ang magdadala ng magandang kapalaran at ligaya. Panatiliin ang pagiging tapat sa kasuyo. Iwasan ang immoral na relasyon at makikita mo kusang dadami ang iyong pera at habang buhay kang magiging maligaya. Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Bodhana-Om.” Violet at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Sasama na naman ang loob mo dahil sa mga pagkakamali ng mga mahal sa buhay. Ganon paman, hindi nila mapipigil ang paparating mong malalaking suwerte sa pag-ibig at sa pinansyal. Ipagdasal mo silang mag-bagong buhay. Mapalad ang 1, 17, 28, 31, 44, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om.” Pink at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Walang tigil ang dating ng suwerte at magandang kapalaran, kaya naman dapat na ito rin ang panahon upang ikaw ay mag ipon at magpundar. Sa pag-ibig lalo pang bubuti ang pakikipagrelasyon sa isang Gemini. Mapalad ang 6, 15, 27, 33, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om.” Pink at lilac ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Upang magbago ang kapalaran, magbakasyon muna sa sinilangang bayan. Habang nasa sasakyan magagandang ideya ang mabubuo sa iyong isipan. Sa pinansyal, ngayong papalapit na ang pasko kusa ng dadami ang iyong pera. Mapalad ang 5, 9, 25, 34, 40, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gatah-Om-Krisna.” Green at blue ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Walang katulad ang iyong ganda, kaya wala ring katulad ang pagdating ng magandang kapalaran sa pag-ibig at pagkakaperahan. Ang kailangan lang lagi kang magsuot ng kulay na dilaw. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He Vau-Weh.” Bukod sa red ang yellow ay buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Huwag matakot kumilos, pagkakataon mo na ngayong umunlad. Bago ang hangal na relasyon unahin munang asikasuhin ang mga bagay na pagkakaperahan. Sa ganyang paraan mas madali kang uunlad hanggang sa tuluyang yumaman. Mapalad ang 6, 12, 23, 33, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Krisna-Om.” Green at purple ang buenas.
Horoscope, 03, 2019
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...