LIMA katao ang nasagip matapos lumubog ang sinakyan nilang bangka sa bahagi ng dagat na malapit sa Calaca, Batangas.
Kabilang sa mga nasagip ang may-ari ng bangka na si Liejun Regalario, 25, mangingisda na residente ng Lemery, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.
Nasagip din ang mga sakay niyang sina mangingisda ring sina Leonard Regalario, 30, at Leo dela Cerna, 55; at sina Desus Bulalaque, 19, at Ellie Escote, 15, kapwa estudyante.
Naganap ang insidente dakong alas-3 ng hapon Sabado, ngunit Linggo na nang maiulat ng mga rescuer sa pulisya.
Naglalayag ang bangka patungong Calatagan, at nasa layong 5 nautical miles mula sa daalampasigan ng Brgy. Salong, Calaca, nang magloko ang elesi ng makina.
Dahil dito’y nabutas ang isang bahagi ng bangka at ito’y lumubog, ayon sa ulat.
Nagtulung-tulong ang mga residente’t opisyal ng Brgy. Salong at Calaca Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office para sagipin ang mga skay ng bangka.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.