Hindi ko nabuntis si MELISSA RICKS! – PAUL JAKE CASTILLO


Sarap talaga ng lechon Cebu sa Yobob’s Resto along Tomas Morato, Q.C. Nilantakan namin nina kafatid na Ernie Enrile and Marvin Maralit ang lechon Cebu last Sunday evening.

Nagkataon namang nandoon ang love naming anak-anakang si Paul Jake Castillo na isa sa may-ari ng said newly-opened resto. Kaya sinamantala ko nang tanungin ang baby naming si Paul Jake about the issue na buntis daw ang ex-GF nitong si Melissa Ricks.

“No. That’s not true,” mabilis na tugon ni Paul Jake. Hindi na namin inusisa si Paul Jake kasi in fairness to this super-guwapong star ng Be Careful With My Heart, honest ito sobra.

Hindi ito marunong magsinungaling sa amin. Kaya naniniwala naman kami sa sinabi niya sa amin na hindi nga buntis ang ex-GF niyang si Melissa Ricks. Nice to see you again, anak. Mahal ka namin. Mwah!

( Photo credit to Google )

Read more...