WALANG dudang may halong kaba and excitement ang napi-feel ngayon ni Boy2 Quizon sa nalalapit na pagpapa-labas ng “I’m Ellenya L.”
Bukod sa pagiging co-producer ng movie, first directorial full length film din niya ang “I’m Ellenya L.”
Uh, yes. Of course, aware rin naman ako na, happy ako na nagkaroon ako ng ganitong opportunity. Parang timing lang din naman sa akin, na may magawa naman akong ganito dahil buong buhay ko parang ano, e, nag-umpisa ako bata. Nalinya rin ako sa Lolo (Dolphy) ko sa Home Along (Da Riles), e, hanggang sa lumipat ako ng Bubble Gang,” esplika ni Direk Boy2.
Hindi naman lingid sa marami na si Boy2 ay apo ni Comedy King Dolphy. Pamangkin siya ng direktor na si Eric Quizon. Kaya naman medyo mataas ang expectations sa movie ni Boy2 sa PPP3.
“So, parang umabot din ako sa point na, ‘Ano pa ‘yung ibang gagawin ko. Parang, kung, ‘yung sa artista rin naman umabot din ako sa point na piniili ko rin ‘yung gusto kong gawin. So, timing lang din na nabigyan ako ng opportunity na idirek ang pelikulang ito.”
Happy si Boy2 sa genre na napunta sa kanya for his debut film, “Para sa akin I would always represent ‘yung legacy ng pamilya namin. But it doesn’t mean na we’re trying to be at par doon sa nagawa niya (Dolphy). For me, meron kaming sariling style and doon sa brand ng comedy na makikita ninyo naman na hindi ito formula. Kasi para sa akin, hindi magagawa’yun. Hindi mo madu-duplicate ‘yun.”
Inamin ni Boy2 na nanghingi rin siya ng advice sa kanyang Tito Eric.
“Yes, sa lahat. Umabot pa ako sa Heritage. Umabot ako hanggang doon sa puntod ng lolo ko. Nakikipag-usap ako sa lahat ng tao. Dasal-dasal.
“Kahit bago mag-umpisa ‘yung project, madalas ako doon sa Heritage. Kasi kahit naman dati nu’ng nabubuhay pa ‘yung lolo ko, sa kanya ako humihingi ng advice.
“Dahil siya talaga ‘yung parang kinalakihan ko, isang reason kung bakit ako part ng industry dahil lumaki akong kasama siya,” ang pa-tribute pang paliwanag ni Boy2 sa kanyang Lolo Dolphy.