NASAWI ang isang dating konsehal nang pagbaabarilin ng di pa kilalang salarin sa sabungan, sa Pitogo, Zamboanga del Sur, Sabado ng hapon.
Nakilala ang biktima bilang si Pedy Dalaota, 56, dating miyembro ng Sangguniang Bayan ng Pitogo, ayon sa ulat ng Zamboanga Peninsula regional police.
Naganap ang pamamaril dakong alas-4:30, sa sabungan sa Purok Banana, Brgy. Poblacion.
Kalalabas lang ni Dalaota sa sabungan at pauwi na sana sakay ng motorsiklo, nang pagbabarilin ng di kilalang lalaki, ayon sa ulat.
Nakatagpo ang pulisya ng limang basyo, isang slug, at isang bala ng kalibre-.45 pistola, sa crime scene.
Inaalam pa ng mga imbestigador ang pagkakakilanlan, kinaroroonan, at motibo ng salarin, na agad tumakas matapos ang insidente.
MOST READ
LATEST STORIES