HANGGANG commercial modeling lang ang limitasyon ng isang magandang dalaga na anak ng isang istriktong premyadong aktor. Pero kung kaya namang umiwas kahit sa direksiyong ito ay mas aprub sa ama.
For some unknown reason, ayaw nitong payagang mag-artista ang anak na higit pa sa may hitsura ang looks na kung tutuusi’y hindi na mahihirapan bitbit ang apelyido niya na isa nang “showbiz brand.”
Ang gusto kasi ng bata’y makaipon at makapundar man lang since her father doesn’t give regular support. Kung noon sanang walang masyadong kita ang aktor will his reason be valid enough to miss out his paternal duties.
Pero ngayong nakasandal siya sa isang big-time na pulitiko, let him find no flimsy excuse para magwala-walaan. Worse, magsakit-sakitan kunwari to justify his shortcomings.
And the award for the Best Actor in a Chronic Coughing Performance on the Telephone goes to…