LPA naging bagyo na

NAGING isa ng ganap na bagyo ang low pressure area na binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration sa Mindanao.

Tinawag na Liwayway ang bagong bagyo na nasa layong 405 kilometro sa silangan-hilagang silangan ng Hinatuan, Surigao del sur.

May hangin ito na umaabot sa 45 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugsong 55 kilometro bawat oras.

Umuusad ito sa bilis na 20 kilometro bawat oras pa-hilagang kanluran.

Ang bagyong Kabayan naman ay lumabas na ng Philippine Area of Responsibility kahapon at patungo sa China.

Read more...