Horoscope, Aug. 31, 2019 | Bandera

Horoscope, Aug. 31, 2019

Madam Sophia |September 01,2019
facebook
share this

Horoscope, Aug. 31, 2019

Madam Sophia - September 01, 2019 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Sa unang araw na ito ng buwan maraming suwerte ang mahihilog mula sa langit. Lumabas ka ng bahay upang masapo mo ito. Oo sa panahong ito ng iyong buhay, lalo kang uunlad basta’t panatiliin mo lang sa iyong mga labi ang saya at ngiti. Tandaang sa taong masaya, ang tagumpay at ligaya ay lubos. Mapalad ang 1, 9, 24, 34, 48 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agara-Aum-Sandhapa.” Yellow at silver ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Ber months na, panatiliin ang pakikipag-relasyon sa isang Sagittarius mahirap mawalan ng minamahal kapag ganitong malapit na ang Pasko. Sa pinansyal, ngayon pa lang paghandaan na ang kapaskuhan, unti-unti ng mag-ipon nang mga pang-regalo. Mapalad ang 6, 18, 27, 34, 40 at 48, Mahiwaga mong mantra: “Om-Kastha-Aum-Raga.” Violet at lilac ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Wag masyadong abusuhin ang katawan, aanhin mo ang maraming salapi kung magkakasakit ka naman? Sa pag-ibig, mas magiging masigla ang aksyon kung bago magniig hihigop muna ng mainit na sabaw. Mapalad ang 6, 17, 28, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jhana-Om-Nama.” Blue at maroon ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Alalahanin mong malungkot ang Pasko kapag kapos ang pera kaya mag ipin na. Sa pag-ibig, ito ang panahon na dapat mong iplano ang gagawin mong pakikipag-date sa kasuyong Libra upang makasabay ka sa kanya. Mapalad ang 6, 15, 25, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mimu-Om.” Green at purple ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Ang ugaling masyadong malihim ay hindi makapagdudulot ng ligaya. Ilantad ang tunay na sarili upang lalo kang mapamahal sa kanya. Sa pinansyal, sa buwang ito ng Setyembre unti-unti ka ng makababayad sa mga pagkakautang. Mapalad ang 2, 7, 27, 33, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Blue at red ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Hindi masosolusyunan ang problema sa pamamagitan ng sisihan. Ikaw na ang umako sa pagkakamali ng iba. Sa pag-ibig, hayaan mong magreklamo ang kasuyo, wala naman siyang magagawa sa gusto mo. Mapalad ang 4, 17, 26, 35, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum”. Yellow at green ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Maglinis ng mga abubot upang umaliwalas ang paligid. Kapag maraming kalat, maaantala ang dating ng suwerte. Sa pag-ibig, wag ng katulungin ang kasuyo sa paglilinis, lalo lang magugulo ang iyong mga gamit – pabilihin na lang siya ng meryenda! Mapalad ang 4, 8, 32, 42, 27 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna.” Silver at pink ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Sa panahong itong nalalapit na ang iyong kaarawan, sa pakikipagsapalaran, kusang darating ang maraming suwerte at magagandang kapalaran. Sa pag-ibig, lalong iinit ang romansa at pagmamahalan. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 40 at 46. “Aum-Gayatri-Om.” Lilac at old rose ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Isang kaibigan ang mangangailangan ng tulong! Siya ang kaibigang hindi marunong magbayad ng utang. Hindi masama kung pagtataguan mo muna siya. Sa pag-ibig, wag ipautang ang salapi na ibinibigay ng kasuyo, upang hindi ka niya masisi. Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agiel-Om-Yophiel.” Orange at maroon ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Kahit ano pa ang gawin mo, magugulat ka, dating ng dating sa iyo ang suwerte at magagandang kapalaran kaya dapat na magpasalamat ka lagi sa nasa itaas sa pamamagitan ng pagtulong sa iyong kapwa lalo na sa mga taong wala nang maasahan. Mapalad ang 7, 18, 29, 32, 37 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Niva-Om-Araanam.” Blue at beige ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — May makakasangga ka na sa malaking gastusing kinakaharap. Isang uto-utong Cancer ang mag-aabot sa iyo ng malaking halaga. Sa pag-ibig, sabihin sa kasuyong; “Magtipid-tipid ka naman upang umunlad ang ating kabuhayan!” Mapalad ang 1, 19, 28, 33, 37 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Nahmeh-Aum.” Green at pink ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Dahil sa pagiging malapit sa mga nakakataas marami tuloy na naiingit sa iyo. Hindi nila alam, likas ka lang na friendly. Ituloy ang pagsipsip kay boss, upang madagdagan ang bonus sa nalalapit na Kapaskuhan. Sa pag-ibig, maganda ang iyong ngiti kaya marami ka na namang mabobola. Mapalad ang 3, 12, 21, 30, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mandala-Ketu-Om.” Red at beige ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — May kahaharapin ka na namang malaking suliraning may kaugnayan sa salapi. Sa pag-ibig, obligahin ang kasuyo na magbigay ng saktong budget tuwing akinse at katapusan. Mapalad ang 7, 16, 22, 31, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Puranas-Manu-Om.” Green at white ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending