Super happy ang status ng family life ngayon ng Kapuso actor na si Mike Tan. At bukod diyan, swerte rin siya sa career dahil hindi siya nawawalan ng trabaho sa GMA.
Going strong pa rin ang married life ni Mike with his wife kasama ang kanilang panganay na anak na malapit ng mag-one year old. Sa katunayan, pinupuri si Mike ng mga netizens dahil sa pagiging hands-on dad nito base na rin sa mga ipino-post niya sa Instagram.
Pero alam n’yo ba na bago nagpakasal ay 12years naging mag-boyfriend at girlfriend si Mike at ang kanyang misis? Yes, at sa tagal ng panahong ‘yon, may lesson na natutunan si Mike, “Lagi mong pipiliin ‘yung mahal mo kaysa sa iba.”
“Dapat lagi mo silang priority (asawa’t anak kumpara sa iba, whether it’s friends, family,” aniya pa.
Kaya naman relate na relate raw si Mike sa role niya sa pagbabalik ng Wagas na mapapanood na sa GMA 7 simula ngayong Lunes bago mag-Eat Bulaga.
Sila ni Sunshine Dizon ang bibida sa Wagas Presents Throwback Pag-ibig na kuwento ng nagkahiwalay na mag-asawa ngunit muling pagtatagpuin para sa kanilang anak na gagampanan naman ng Kapuso child star na si Leanne Bautista.
“Oo, sobrang nakaka-relate ako ngayon sa role ko rito sa Wagas kasi tatay na rin ako, eh. Mabigat ‘yung mga pagdaraanan namin ni Shine sa kuwento, pero pagagaanin ‘yung sitwasyon dahil sa pagdating ng anak nila,” pahayag ni Mike.
Ang Wagas Presents Throwback Pag-ibig ay isang month-long drama anthology sa direksyon ni Adolf Alix, Jr. at mapapanood na tuwing umaga Lunes hanggang Biyernes sa GMA 7.