Huwag na raw tayong magulat kung very soon ay maging investor o foreign business partner na si Gretchen Barretto ng mga Chinese.
Naispatan nga si La Greta recently sa Foshan, China kung saan ginaganap ang FIBA Games. Nandu’n din ang Gilas Pilipinas na talagang dinayo pang panoorin ng ating Pangulong Rodrigo Duterte bilang bahagi ng official state visit niya sa China.
Rampa kung rampa raw ang drama ni La Greta kasama ang ilang opisyal at mga negosyanteng Pinoy na may Chinese connections.
Hindi nga lang ibinandera ng aming kausap kung sinong mga negosyante o opisyal ng gobyerno ang kasama ng aktres, pero sure daw silang hindi nila nakita sa mga rampahan galore ni La Greta ang asawa nitong si Tonyboy Cojuangco.
Unless, siya ang ipinadalang representative ng asawa sa kung anumang business ventures nila roon.
Hmmmm, ano nga kaya ang plano ni Gretchen? Walang projects sa TV at pelikula ang partner ni Tonyboy kaya siguro kakaririn na niya ang pagnenegosyo.