JC, Ina walang arte, game na game sa laplapan

SA nakaraang presscon ng  pelikulang “Open,” ikinuwento nina JC Santos at Ina Raymundo ang kontrobersyal na laplapan nila sa movie. Ang intense at ang lala naman kasi ng eksenang yun.

“Correction hindi siya laplapan. Kasi kapag sinabi mong laplapan, may tongue yon. Pero wala siyang tongue. Lips to lips, with passion, with acting,” paglilinaw ni Ina.

Yun daw kasi ang utos sa kanya ni Direk Andoy Ranay kaya sinunod lang niya.

Sey naman ni JC “staged kiss” ang tawag du’n na natutunan niya sa pagiging thater actor, “Kapag nandoon ka na sa eksena, you think of it as a choreography, you think of it as a blocking, it’s part of the whole thing. I have to sell it to the camera. 

“Sa theater ang tawag doon, staged kiss, para hindi ka makapag-invade ng privacy, para respetuhin mo pa rin siya (co-actor),” ani JC.

Read more...