Transparency dapat matiyak sa hog deaths sa harap ng banta ng ASF

By Bella Cariaso September 01,2019
share this

Transparency dapat matiyak sa hog deaths sa harap ng banta ng ASF

By Bella Cariaso September 01,2019
share this

DAPAT ay tiyakin ng gobyerno, partikular ng Department of Agriculture (DA) ang transparency kaugnay ng sunod-sunod na kaso ng pagkamatay ng mga baboy sa ilang bahagi ng bansa sa harap naman ng banta ng African Swine Fever (ASF).
Nauna nang naiulat ang pagkamatay ng mga baboy sa tatlong barangay sa Rizal dahilan para ipag-utos ng DA ang culling o pagpatay sa mga baboy sa apektadong pig farms.
Ayon pa sa ulat, binayaran ng DA ang mga may-ari ng mga apektadong pig farm ng P3,000 kada isang baboy na isasailalim sa culling.
May mga ulat pa na ginagawang longganisa ng ilang residente ang mga apektadong baboy at ibinibenta ng mas mababa.
Bagamat tiniyak ng DA na hindi ASF ang ikinamatay ng mga baboy, hindi naman kumbinsido maging ang mga miyembro ng media sa naging pahayag ng Agriculture department.
May ginawa pang pagtiyak ang ilang opisyal na ligtas ang pagkain ng mga baboy na may ASF, kung lulutuin ang mga ito ng mabuti.
Bagamat hindi mapanganib sa tao ang ASF, maaari namang maipasa ng mga taong kumain ng baboy na infected sa African Swine Fever ang sakit sa ibang baboy.
Sa Cebu, naiulat din ang ilang kaso ng pagkamatay ng baboy, bagamat tiniyak ng mga otoridad na hindi ito ASF.
Sa harap naman ng takot ng publiko sa ASF, dapat matiyak na transparent ang mga kinauukulan sa nangyayari para mabigyan ng tamang impormasyon ang mga tao nang hindi na lumala pa ang sitwasyon.
Dapat din ay ginagawa ng DA at ng mga kaukulang ahensiya ang nararapat nang hindi na kumalat ang nangyayaring pagkamatay ng baboy sa iba pang lugar sa bansa.
Tamang kaalaman ang kailangan ng publiko para maging handa sa banta ng ASF at hindi ang paglilihim ng impormasyon.
Habang kasing may duda ang publiko, lalu lamang maaapektuhan ang benta ng baboy sa mga pamilihan.
Mahalagang ipakita ng mga otoridad na may ginagawa at talagang kontrolado ang sitwasyon at hindi lamang sa salita.
Bagamat may takot ang publiko sa posibleng pagpasok ng ASF sa bansa, dapat ay mabigyan sila ng tamang impormasyon at paghahanda sakali ngang nandito na nga ang African Swine Fever sa bansa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending