Very open din si Kathryn Bernardo sa part 2 ng “Hello, Love, Goodbye” nila ni Alden Richards. Malapit nang umabot sa P1 billion ang kita ng pelikula at patuloy pa rin itong pinapanood ng mga tao.
“Sabi ko nga nangyayari ba ’to? Ang ganda, ganda ng lahat ng nangyayari. Ewan ko, siguro lahat ng nararamdaman ko puro pasasalamat and I’m super duper happy.
“Parang hindi ko alam na pwede mangyari ’to kasi wala naman ako in-expect talaga simula pa lang. Sobra-sobra ’yung binigay ni God na blessing,” pahayag ng aktres sa panayam ng ABS-CBN.
“Pati ako hindi makapaniwala, katulad ng nangyayaring reactions ng lahat, ganu’n din ako. Again siguro, sobrang grateful lang ako sa lahat ng nangyayari and lahat ‘to, sini-share ko lahat ng success na ‘to sa lahat ng fans, lahat din ng fans ni Alden, and of course kay DJ (Daniel Padilla) and kay direk Cathy, lahat to success namin,” dagdag pa ni Kath.
At sa posibilidad na magkaroon ng sequel ang pelikula, “Yes, of course. I’ m very open to that and let’s see siguro basta pagbalik siguro ni direk Cathy from her short break or tingnan natin kung payagan siya.”