CONFIRMED! Hiwalay na si Arci Muñoz sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Anthony Ng.
Ilang buwan na raw silang break ng negosyante pero mabilis niyang nilinaw na walang third party involved sa kanilang hiwalayan.
Sa presscon ng bagong teleserye ni Arci sa ABS-CBN na Pamilya Ko kanina, mutual ang decision nilang maghiwalay. Pero aniya, hindi niya masasabi na friends pa rin sila.
Ayaw na niyang idetalye ang mga rason kung bakit nauwi rin sa wala ang kanilang relasyon.
“No, no. Nothing like that po (third party). It’s shallow. It’s just really, maybe it’s not the right time,” ang pahayag ng aktres.
Sa tanong kung may pag-asa pa ba silang magkabalikan, hindi pa raw niya ito masasagot sa ngayon.
Idinenay din ni Arci na naghiwalay sila ni Anthony dahil sa kanyang mga magulang, “Wala po. Pero siyempre kasi nga, ‘pag magulang ka, gusto mo talaga ‘yung best best best. I understand my mom.”
Kung matatandaan, July, 2017 nang ibandera ni Arci sa buong universe ang relasyon niya kay Anthony.