Mga anak ni BENJIE makakarma sa pambabastos sa kanilang ina


Marami ang nakisimpatya kay Jackie Forster sa kanyang madamdaming interview sa The Buzz. Ang daming mothers ang kumampi kay Jackie at ang feeling nila ay sobra na ang  ipinapakitang paninikis ng mga anak ng aktres.

Ang sabi nila, ang ina ay mananatiling ina. Hindi naman masama ang intension ni Jackie. Gusto lang niyang makapiling ang kanyang mga anak kay Benjie Paras.

Marami nga ang naawa sa revelations ni Jackie na there were times in the past na pi-nuntahan niya ang kanyang mga anak para mabisita pero hindi siya sinipot ng mga ito. Kesyo meron daw exams, kesyo meron daw basketball games.

Actually, awang-awa rin kami kay Jackie when we watched her interview. Dama namin ang kanyang hinaing. Pain was written all over her face. Ang hindi lang namin maintindihan ay kung bakit galit na galit ang mga anak ni Jackie sa kanya.

It was as if she committed a heinous crime. Ang mabuti pa siguro ay mag-make amends na ang mga anak ni Benjie sa kanilang ina. ‘Wag na silang bitter, ‘no, dahil sabi nga ni Jackie, life is so short.

Sana’y mapagsabihan ni Benjie ang kanyang mga anak na matuto nang magpakumbaba sa kanilang ina at patawarin na ito.
Hindi madali ang humingi ng tawad publicly but Jackie did only to win her sons’ heart but to no avail.

What they failed to realize is that kahit na pagbali-baliktarin man ang mundo ay si Jackie pa rin ang kanilang ina. Hindi na kami magtataka kung makarma man ang mga anak nina Jackie and Benjie dahil sa ginagawa nila sa kanilang sariling mommy.

( Photo credit to Google )

Read more...