SUSULONG na ang 2019 GM Rosendo Balinas Memorial Cup chess championship ngayong darating Lunes at layon nitong makagawa ng mga mahuhusay na chess players katulad ng yumaong Filipino champion.
“GM Balinas is really one of the best Filipino chess players ever. He was an idol,” sabi ni Grandmaster Rogelio Antonio, Jr. sa kanyang pagdalo sa ika-37 edisyon ng “Usapang Sports” na hatid ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Huwebes ng umaga sa National Press Club sa Intramuros, Maynila.
“I am deeply honored to be invited to play in the Balinas Memorial. I was a student of GM Balinas and I can say I am one of his more successful students. I really owe a lot to him,” sabi pa ng 57-anyos na si Antonio, na dumalo sa lingguhang public service program kasama sina GM Darwin Laylo, Engr. Tony Balinas at Philippine Executives Chess Asdociation (PECA) president Dr. Jenny Mayor.
Pamumunuan nina Antonio, na nakagawa ng kasaysayan matapos na maging ikatlong GM ng bansa noong 1993 matapos nina GM Eugene Torre at Balinas, at Laylo ang 14 iba pang manlalaro na sasabak sa prestihiyosong chess tournament na gaganapin sa Setyembre 2-10 sa Alphaland Place sa Malugay st., Makati City.
“I was not to able to meet GM Balinas, but I know him as one of our strongest players. I even studied some of his games,” sabi ni Laylo, na dumalo rin sa unang pagkakataon sa sesyon na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), National Press Club (NPC), Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor), Community Basketball Association (CBA) at HG Guyabano Tea Leaf Drinks.
Ang ikatlong GM na lalahok sa torneo ay si John Paul Gomez.
Sinabi ni Engr. Balinas na ang 15-round tournament ay gagamit ng standard format dahil ayon sa kanya mas mahusay ang mga Pinoy sa ganitong klase ng kumpetisyon.
“Balinas and other Filipino players excel in this type of competition. You can see the beauty of chess in the old format, which is the standard or long game. It is a lot betterthan the rapid or blitz style,” sabi ni Engr. Balinas, na siyang responsable sa pagdaos ng kumpetisyon na isinasagawa parangal sa kanyang yumaong nakababatang kapatid.
Sinabi naman ni Dr. Mayor na may nakatayang mga tropeo at cash prizes sa kumpetisyon kung saan ang kampeon ay mag-uuwi ng P50,000.
Mag-uuwi naman ng P40,000 ang magtatapos sa ikalawang puwesto habang P30,000, P20,000 at P10,000 ang makukuha ng ikatlo hanggang ikalimang puwesto, ayon sa pagkakasunod.
Maliban sa tatlong GM, kasama rin sa mga kalahok sina IM Paulo Bersamina, IM Daniel Quizon, IM Angelo Young, NM Nick Nisperos, IM Ricky de Guzman, IM Cris Ramayrat, NM Carlo Magno Rosaupan, NM Julius Sinangote at mga untitled qualifier na sina Sherwin Tiu, Kevin Mirano, Rolly Parondo, Jr., Alfredo Rapanot at Michael Concio, Jr.