Barbie napasagot agad ni Jak dahil sa spicy adobo

JAK ROBERTO AT BARBIE FORTEZA

Dahil sa spicy adobo, napadali ang pagsagot ni Barbie Forteza kay Jak Roberto.

Sa kanyang Instagram account, sinagot ng Kapuso actress ang tanong ng isa niyang fan kung ilang buwang nanligaw sa kanya si Jak.

Sagot ni Barbie sabay post ng litrato ng spicy adobo, “Promise. Plano ko talaga at least 2 months kaso wala e — nilutuan ako ng spicy adobo. So ayun. Two weeks. #marupok.”

Nagsimulang maging close ang dalawa nang magkasama sila sa hit Kapuso serye na Meant To Be kung saan gumanap si Barbie bilang si Billie Bendiola habang si Jak naman ay gumanap bilang suitor niyang si Andoy.

Nag-celebrate sila ng kanilang 2nd anniversary bilang couple last May 19, 2019.

Read more...