Ion ayaw nang magsalita tungkol kay Vice: Ganito pala siya kasakit!

“GANITO pala kasakit!” ‘Yan ang inamin ng rumored boyfriend ni Vice Ganda na si Ion Perez matapos ma-bash ng mga netizens.

Ayon kay Ion na mas kilala bilang si Kuya Escort sa It’s Showtime, totoong naaapektuhan siya sa mga pambabastos at pangnenega sa kanya ng mga bashers.

Ito’y matapos nga niyang sabihin sa isang panayam na wala silang relasyon nila Vice at makaibigan lang sila sa tunay na buhay. Hindi ito nagustuhan ng ilang fans ng Unkabogable Star at karamihan sa kanila ay nagsabing ginagamit lang niya ang TV host-comedian.

Sa interview ng ABS-CBN kay Ion sa ginanap na Star Magic All Star Games 2019 sa Araneta Coliseum kamakailan, sinabi niyang na-gulat siya sa reaksyon ng mga netizens sa social media matapos aminin ang tunay na estado ng relasyon nila ni Vice.

Marami kasi ang hindi naniniwala sa sinabi ni Ion, para raw kasing ikinahihiya rin niya kung anong meron sila ng komedyante. Akala pa naman daw nila, totoo ang pagmamahal na ipinakikita niya kay Vice.

“Ang masasabi ko lang naman, pasensya na kasi kung paano ako, ‘yung ugali ko bilang probinsyano, ganun talaga ako e,” pahayag ni Ion.

Dagdag pa niya, “Hindi ko naman naisip na ganito pala kasakit ‘pag nakakatanggap ka ng masasakit na salita.”

Sa nasabing interview, muling tinanong ang binata kung ano ba talaga ang relasyon nila ni Vice pero tumanggi na siyang magsalita. Nag-thank you na lang siya sa mga fans ni Vice na patuloy na nagtatanggol para sa kanya sa social media.

“Nagpapasalamat ako kasi talagang chi-ni-cheer-up talaga nila ako sobrang nagpapasalamat ako sa mga Vice-Ion fans,” aniya.

READ NEXT
Staying awake
Read more...