Glaiza mas pinili ngayon ang lovelife kesa sa career; super in love sa Irish BF

GLAIZA DE CASTRO AT DAVID RAINEY

Ipinakilala na si Glaiza de Castro ng kanyang Irish surfer-businessman na si David Rainey sa parents at kapatid nito.

Dumaan sa Ireland si Glaiza upang makasama ang boyfriend sa selebrasyon ng birthday nito.

Sa isang photo ng dalawa na ipinost sa Twitter ng gmanetwork.com, inilabas nito ang litrato upang kumpirmahin ang ospiyal na relasyon ng dalawa, huh!

Sa Siargao unang nagkakilala sina Glaiza at David. Kahit long distance relationship ang drama nila, nabuo at mas tumindi pa ang pagmamahalan nila sa isa’t isa.

Inilabas din ng Kapuso Network ang pakikipagkikita ni Glaiza sa pamilya ng boyfriend. Nakasama rin niya ang pamilya sa mga bagong adventures nila recently.

Sa totoo lang, puso naman ang binigyang priority ngayon ng award-winning Kapuso actress.

Dapat sana ay mahaba-haba pa ang role niya sa Kapuso series na Prima Donnas pero naging guest na lang siya sa serye dahil gusto niyang makasama ang boyfie sa kaarawan nito.

Pagbigyan na natin ang hiling ng puso ni Glaiza, huh!

 

Read more...