PERSONAL na nagbigay-pugay ang dalawang leading man ng Kapuso series na Descendants of the Sun sa mga sundalong sugatan dahil sa pakikipaglaban sa mga rebelde at terorista.
Nitong nakaraang araw, pumunta sina Dingdong Dantes at Rocco Nacino sa Army General Hospital sa Taguig, para personal na bisitahin ang ilang mga sundalo na sumabak sa Marawi seige at iba pang operasyon ng militar sa iba’t ibang panig ng bansa.
Nasaksihan din nina Dingdong at Rocco sa pagpunta nila sa AGH ang pagbibigay ng parangal at pagtaas ng ranggo sa mga sugatang sundalo.
“Isang way ito ng pagbibigay-pugay at, siyempre, pagpapasalamat sa lahat ng sakripisyong binibigay nila para sa ating bansa,” ani Dingdong sa panayam ng GMA.
Dagdag pa niya, “Nakakakilabot nga, e, sa totoo lang kapag nagkukuwento sila about their injuries and kung paano nila sinustain ‘yung injuries nila. Pero nakakatuwa na makita ‘yung hope nila.”
Mas lalo pa nilang na-appreciate ang kabayanihan at sakripisyo ng mga sundalo nang makilala nila ang mga ito. Dahil dito, mas lalo pa silang na-inspire gawin ang Descendants of the Sun na tatalakay sa buhay ng mga sundalong Pinoy.
Sa Pinoy version ng hit Korean series na DOTS gaganap si Dingdong bilang si Capt. Lucas Manalo a.k.a. “Big Boss,” habang si Rocco naman bilang si TSgt. Diego