RK Bagatsing ‘for sale’ nga ba sa matrona’t bading?

“FOR sale” nga ba sa mga matrona’t bading ang Kapamilya actor na si RK Bagatsing?

Sa ginanap na presscon ng pelikula niyang “Cuddle Weather” kasama si Sue Ramirez, natanong ang binata kung may mga natatanggap ba siyang indecent proposal mula sa mga mayayamang beki at matrona. Mga sex workers kasi ang role ng dalawa sa nasabing movie.

Natawa muna si RK bago sumagot, “Nagtataka nga ako, bakit wala, eh. Alam mo, tinatanong ko nga ang sarili ko, ‘Hot ba ako? Hindi ba nila ako gusto? Hindi ba ako deserving sa ganun?’ It’s not that I’m going to say yes pero wala, eh.”

Hindi imposibleng makatanggap ng mga ganu’ng klaseng offer si RK kapag ipinalabas na ang “Cuddle Weather” kung saan gumaganap nga siyang isang callboy habang si Sue naman ay prostitute.

“First, I’m going to be flattered. Pero politely I will say no. Kasi alam mo, yung mga ganyan, sinasabi ko nga, nu’ng ginawa namin yung pelikula, dati parang, ‘uy, sex, binayaran si ganito, binayaran si ganyan.’

“Hindi mo iisipin na meron palang mas malalim pang rason kung bakit sila nagbabayad for sex, di ba? Ibig sabihin, nalulungkot sila sa buhay nila,” pahayag pa ng Kapamilya actor.

Samantala, natanong din ang aktor tungkol sa pinag-usapang video scandal ng utol niyang si Raymond Bagatsing, “Napanood ko nga, eh. Sabi ko, ‘Ang lupit mo, ah. Naku, mag-ingat-ingat ka na next time,” payo niya kay Raymond.

At dahil pareho naman silang lalaki, hindi ito naging big deal sa kanilang magkapatid, “Wala, nagtawanan lang kami. Marami din namang nabiktima ng ganyan at kinalimutan lang nila.”

May nagtanong naman sa binata kung meron din ba siyang video scandal na maaaring lumabas anytime? “Nandito pa yung phone ko. Wala pang lalabas. Pilyo pa rin naman ako ngayon, pero wala naman siguro. Maingat naman. Delete kaagad, delete mo kaagad. Ano lang yun, spur of the moment.”

Showing na ang “Cuddle Weather” nina RK at Sue sa Sept. 13 mula sa Regal Entertainment, directed by Ron Marmol. Isa ito sa mga official entry sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino.

Read more...