Aurora tinutumbok ng bagyong Jenny

SA Aurora inaasahang magla-landfall ang bagyong Jenny Martes ng gabi o Miyerkules ng umaga.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang bagyo ay nasa layong 375 kilometro sa silangan ng Infanta, Quezon ala-1 ng hapon kahapon.

Mas lalo pang lumakas ang bagyo na umaabot na sa 65 kilometro bawat oras ang bilis ng hangin at pagbugsong 80 kilometro bawat oras. Umuusad ito sa bilis na 25 kilometro bawat oras pa-kanluran hilagang kanluran.

Patuloy na makararanas ng masungit na panahon ang malaking bahagi ng Luzon at Visayas.

Read more...