Water level sa Angat nasa minimum operating level na

UMAKYAT na sa minimum operating level ang tubig sa Angat dam.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration kahapon ng umaga ang lebel ng tubig sa Angat ay 180.75 metro tumaas ng 0.79 metro mula sa 179.96 metro noong Linggo ng umaga.

Tumaas din ang lebel ng tubig sa La Mesa dam na naitala sa 77.11 metro mula sa 76.88 metro kamakalawa.

Ang dalawang dam ang pangunahing pinanggagalingan ng suplay ng tubig sa Metro Manila.

Read more...