Female star sinisiraan ang mga kaibigan ng kapatid na aktres

KAPRANINGAN lang ang nakikitang dahilan ng mga dating kaibigan ng isang kilalang female personality kung bakit halos lahat ng mga taong nagiging kaibigan ng kanyang kapatid ay inaaway niya.

Basta naramdaman niyang nagiging close na sa kanyang kapatid ang isang artista o personal nitong kaibigan ay agad na niyang sinisiraan. Gagawa na agad siya ng mga kuwentong hindi kapani-paniwala.

Kuwento ng aming source, “Nakakaloka ang babaeng ‘yun! Hindi na lang niya ipokus ang panahon niya sa sarili niyang buhay para magkaroon siya ng trabaho!

“Kung kani-kaninong buhay ang pinakikialaman niya, masyado siyang busy sa buhay ng ibang tao, kaya wala siyang project! Nakakahiya ang mga ginagawa niya! Kapag napapansin niyang nagiging close na ang ibang tao sa kapatid niya, e, aarya na agad siya ng paninira!

“Post siya nang post ng kung anu-anong kanegahan tungkol sa taong inilalayo niyang pilit sa kapatid niya!

Tatawagan niya pa ang ate niya, sisiraan nang sisiraan ang madalas magpunta sa bahay niya!” unang chika ng aming source.

Sobrang insekuridad ang umaatake sa female personality. Siya lang ang gusto niyang maging malapit sa kanyang kapatid dahil ito ang mina ng ginto na araw-araw niyang hinuhukay.

Patuloy ng aming source, “Hanggang hindi niya tinatalikuran ang mga kagagahan niya, e, walang mangyayari sa buhay niya! Huwag siyang umasa lang nang umasa sa kapatid niya, dahil one day, mauuntog din ‘yun sa katotohanan!

“Magsasawa rin ang ate niya sa kabibigay ng tulong sa kanya na hindi naman pala pinakikinabangan ng mga anak niya! Sa iba niya ginagastos ang datung at alam niya kung saan ‘yun napupunta!

“Kaya tantanan na niya ang paninira sa mga kaibigan ng kapatid niya, mali ang duda niya na nakikinabang ang mga taong ‘yun sa milyonarya niyang sister!

“Natatakot kasi siyang baka mabawasan ang ibinibigay sa kanya, kaya siya ganyan kapraning! Malakas pa siya, magtrabaho kasi, para may sarili siyang kadatungan!

“Hindi ‘yung ganyan na konting kibot lang, e, nakatakbo na agad siya sa kapatid niya! At tantanan na rin niya ang paninira sa mga kaibigan ng kapatid niya, huwag niyang sulsulan ang kapatid niya dahil hindi ‘yun katulad niyang praning!” inis na inis na pagtatapos ng aming source na mayhawak na bareta ng sabon.

Alam na this, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, hindi na kayo mauupo n’yan sa Row 4 na katabi ang mabantot na basurahan.

Read more...