Mental break: Huwag gumamit ng cellphone

GUSTO mo bang makapagpahinga at makapag-recharge mula sa isang mentally challenging na trabaho?

Kung ganon, mas mabuti na umiwas o huwag munang gumamit ng iyong cell phone. Ito ay base sa isang bagong pag-aaral mula sa Estados Unidos.

Isinagawa ng mga mananaliksik mula sa Rutgers University, ang nasabing pag-aaral na nilahukan ng 414 katao na binigyan ng mga word puzzles na kailangan nilang sagutin.

Sa kalagitnaan ng kanilang ginagawa, marami sa mga kalahok ang binigyan ng pahinga sa pamamagitan ng bagong task kung saan pinamili sila ng tatlong item para sa gagawing shopping list mula sa cell phone, computer screen o sa papel kung saan isusulat o ita-type nila ang dahilan kung bakit nila napili ang mga ito. Ang iba namang kalahok ay hindi binigyan ng pahinga.

Ang nasabing pag-aaral, na inilathala sa Journal of Behavioral Addictions, ay nagpakita na ang mga kalahok na hindi nagpahinga sa paggamit ng cell phone ay may mas mataas ang lebel na pagbaba ng kaisipan at mas nahirapang sagutin ang puzzle nang mabilis at tama.

Dahil dito, iminumungkahi ng pag-aaral na ang paggamit ng cell phone sa iyong pahinga ay hindi nakakatulong para ang iyong utak ay makapag-recharge bagkus ay nagreresulta ito ng mas mababang paggawa.

“The act of reaching for your phone between tasks, or mid-task, is becoming more commonplace. It is important to know the costs associated with reaching for this device during every spare minute. We assume it is no different from any other break, but the phone may carry increasing levels of distraction that make it difficult to return focused attention to work tasks,” sabi ni Terri Kurtzberg, na co-author ng nasabing pag-aaral.

“Cellphones may have this affect because even just seeing your phone activates thoughts of checking messages, connecting with people, access to ever-refilling information and more, in ways that are different than how we use other screens like computers and laptops,” dagdag pa ni Kurtzberg. —AFP, Melvin Sarangay

Read more...