Kim walang arte, gagawin lahat wag lang ma-late

By Alex Brosas August 26,2019
share this

Kim walang arte, gagawin lahat wag lang ma-late

By Alex Brosas August 26,2019
share this

IBANG klase rin si Kim Chiu, wala siyang kaarte-arte.

We’re saying this dahil ginamit niya ang Angkas service para makaiwas sa traffic. Apparently, male-late si Kim kung gagamitin niya ang kanyang kotse papunta sa next commitment niya kaya naman she availed the said motorcycle ride service.

Ipinost ni Kim ang short video ng kanyang pag-angkas with this caption, “The things you do just to be able to make it to the volleyball practice after being late at the shoot!”

Sa background ng video ay may isang baklitang nagsasalita. “Mag-aangkas po siya. Ano plate number nito?” say ng baklita.

Na sinagot naman ni Kim ng, “Pag Nawala ako ha?”

“Ito ang ebidensiya,” say ng baklita.

“Grabe ka chinita princess. Akala ko joke lang,” said one fan.

Sa tindi ng trapik ngayon ay talagang kailangang maging resourceful pati mga artista. Ang dami ng celebrities ang nakisakay sa motor para lang makarating sa kanilang pupuntahan. Ganyan kagrabe ang trapik ngayon sa Metro Manila.

Actually, lahat ng nagdaang administration at maging ang present administration ay walang magawa sa traffic problem na ‘yan. Parang lahat naging inutil dahil hindi maresolbahan ang problema sa trapik na hindi naman nagbabago mula noon hanggang ngayon.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending