1000 girls target matulungan ni Bianca Umali ngayong 2019

TARGET: 1000 Girls! Yan ang bagong kampanyang isinusulong ngayon ng Kapuso young actress na si Bianca Umali.

Alam n’yo ba na aktibong ambassador ng World Vision ang lead star ng Kapuso primetime series na Sahaya kaya naman siya ang napili bilang mukha ng bagong campaign WV na “1000 Girls.”

Ayon sa dalaga, layunin ng 1000 Girls ang makapagbigay ng tulong sa isang libong Pinay through World Vision’d child sponsorship program.

“Being part of our new campaign, the 1000 Girls campaign, is such a a great opportunity and responsibility for me.

“Everyone knows kung gaano kalapit sa puso ko ang mga bata at mga babae kaya mahal na mahal ko po ang mga ganitong bagay,” pahayag ni Bianca.

Naging inspirasyon ng dalaga sa pagtulong sa mga adbokasiya ng WV ang kanyang mga naging karanasan noong kanyang kabataan.

Nais niyang makatulong kahit paano sa mga kabataang babae na nanga-ngarap ding magkaroon ng magandang kinabukasan ngunit walang pangtustos sa kanilang pangangailangan.

“Galing na rin siguro sa childhood ko na lumaki ako sa lola ko at kasama ang mga pinsan ko na lahat kami babae kaya po sobrang mahal ko ‘yung ginagawa ko and itong role na ginagampanan ko,” pagbabahagi pa ng ka-loveteam ni Miguel Tanfelix sa seryeng Sahaya.

Feeling ng Kapuso actress, relevant din ang World Vision 1000 Girls campaign sa mga ipinaglalaban nila sa seryeng Sahaya, lalo na ang women empowerment.

“Also, the project I’m doing also is relevant to this, Sahaya. We don’t only promote education in our show, we also promote fe-minism—kung paano po lumalaban ang isang babae. I think that is why sobrang proud ako na alam kong kaya kong itayo ang bandera ng mga babae,” lahad ni Bianca.

Kasabay nito ang panawagan niya sa mga Kapuso na suportahan ang kanilang kampanya, “Sa lahat po ng nakakanood, from social media, and sa lahat po ng nakakarinig ng message ko, please support the International Day of the Girl on October 11. Our goal is to have 1000 girls sponsored by October 11.”

“I am sponsoring one child ever since I started with World Vision. I am excited to sponsor more. Sana kayo rin kasi sobrang sarap po sa puso na alam niyong may tinutulungan kayo. At sa simpleng bagay, mahal na mahal din kayo noong taong tinutulungan niyo,” dagdag pa niya.

Kaya naman pala patuloy na sinuswerte si Bianca sa kanyang personal na buhay at career, marunong siyang mag-share ng blessings. At sana’y mas marami pa nga siyang matulungan at gayahin din ng iba pang young celebrities ang kabutihan ng dalaga.

Samantala, sa pagpapa-tuloy naman ng Sahaya sa GMA Telebabad, sinimulan na nina Irene (Ana Roces) at Salida (Snooky Serna) ang panggigipit sa mag-inang Sahaya (Bianca) at Manisan (Mylene Dizon).

Gagamitin ni Irene ang kanyang kayamanan at koneksyon upang mas lalong pahirapan ang pamilya ni Sahaya bilang ganti sa pagkamatay ni Harold (Zoren Legaspi). Pero siguradong ikatutuwa ng Kapuso viewers ang mga susunod na episode lalo na kapag rumesbak na sina Sahaya at Manisan sa mga kalaban.

Kailangan n’yo ring tutukan ang karma nj Hubert (Eric Quizon) dahil sa mga kasamaang ginawa niya sa mga Badjaw. Paano gaga-ling ang “sakit” na dumapo sa kanya? Huwag nang bibitaw sa mas lalo pang umiinit na mga tagpo sa Sahaya pagkatapos ng 24 Oras.

Kasama pa rin sa Sahaya sina Pen Medina, Marissa Delgado, Migo Adecer, Ashley Ortega at marami pang iba, sa direksyon pa rin ni Zig Dulay.

Read more...