Kris Bernal: Patayin sa sindak si Megan Young!


MAS lalo pa kayong magugulat sa mga susunod na pasabog nina Kris Bernal, Megan Young at Rayver Cruz sa pinag-uusapan at laging trending afternoon series na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

“Patayin sa sindak si Yvie!” Yan ang ginagawa ngayon ni Naomi (Kris) sa karakter ni Megan sa serye.

Talagang gagawin niya ang lahat para maisama sa kabilang buhay ang babaeng nang-agaw sa kanya kay Matteo (Rayver).

At mukhang hindi lang sa sindak niya papatayin si Yvie dahil sa pinakahuling episode ng HSDNBK ay may hila-hila na siyang maso at handang-handa na sa susunod niyang plano.

Ano nga kaya ang susunod na gagawin ni Naomi para maipaghiganti ang kanyang kamatayan? Paano siya malalabanan nina Yvie at Matteo upang tuluyan nang matahimik ang kanyang kaluluwa sa kabilang buhay?

Kailangang tutukan n’yo ang mga susunod na episode sa serye dahil siguradong pati kayo ay mapapatili at mapapa-OMG sa takot!

Napapanood pa rin ang Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko tuwing hapon sa GMA Afternoon Prime.

Kasama pa rin dito sina Boots Anson Roa, Beverly Salviejo, Kim Domingo, Rodjun Cruz, Francine Prieto, Sharmaine Arnaiz at ang Kapuso child star na si Euwenn Aleta as Santino.

Read more...