Tubig sa Angat Dam patuloy sa pagtaas

MALAPIT na sa minimum normal operating level ang tubig sa Angat dam.

Ngayong umaga ang lebel ng Angat ay 178.63 metro tumaas ng 0.33 metro mula sa 178.30 metro noong Sabado ng umaga.

Ang normal water operating level nito ay 180metro. Ang normal high water level naman nito ay 210metro.

Bahagyang tumaas din ang tubig sa La Mesa dam. Ito ay 76.80 metro kahapon ng umaga, tumaas mula 76.71 metro. Ang normal high water level nito ay 80.15 metro.

Ang dalawang dam ang pangunahing pinagkukuhanan ng isinusuplay na tubig sa Metro Manila at mga karatig na probinsya

Read more...