“NAGKA-BOYFRIEND na ako ng bading!” ‘Yan ang diretsong inamin ng veteran sexy comedy actress na si Carmi Martin.
Sa ginanap na presscon ng latest gay movie na “The Panti Sisters” na pinagbibidahan nina Paolo Ballesteros, Christian Bables at Martin del Rosario, ikinuwento ni Carmi na totoong nagkaroon siya noon ng karelasyong beki.
Hindi raw talaga niya naamoy ang tunay na pagkatao ng guy, “Ay naku, maganda ‘yung kuwento ko diyan. Nagka-boyfriend ako at ngayon friends kami, at may boyfriend na siya.”
“Minsan nga, nag-a-out of town pa kaming magkasama. Ang parang naging joke nga, naging bading siya dahil hindi na raw kami.
“Pero siyempre nu’ng kami pa, hindi ko naaamoy na ganun nga siya. Mga eight months din naging kami. At ang kagandahan, talagang girl na girl na siya, ako nga walang boyfriend pero siya meron. Ngayon ang tawagan na namin, siya si tatay ako si nanay at yung boyfriend niya, anak,” aniya pa.
So, paano niya nadiskubre na lalaki rin pala ang hanap ng kanyang dyowa? “Nu’ng naghiwalay na kami, few years after, lumabas na siya, nag-out na siya.”
Bukod dito, may isa pang bading ang nanligaw sa kanya, “Actually, nagkaroon pa ako ng isang manliligaw, taga-Sta. Ana pa ako noon, and then, nabasted. Mamaya nu’ng may Santacruzan, nakita ko naka-ano na, di ba, may Santacruzan ang mga gays, sabi ko, ‘Parang si ano yon.’ Ayun, nakapang-muher (damit babae) na siya.
“Kaya nagkaroon talaga ako ng experiences sa kanila. O, di ba, plural yan, na talagang may nanligaw sa akin at yung isa naging boyfriend ko pa,” kuwento pa ni Carmi.
Natanong din ang aktres kung keri ba niya ang magkaroon ng asawang beki tulad ni Ogie Diaz na may babaeng kapartner at may apat na ring anak.
“Ako kasi, hindi ako… I’m a Christian, pero hindi ako mapanghusga. Parang minsan nga, sinasabi ko, siguro ang saya no’n, yung pareho lang kayong bakla sa bahay, yung ganun, may anak. Kaya lang, ang pinili ko talaga ngayon is not to get married and to stay single.
“And for me, enjoy lang ako na kausap yung naging mujer na aking ex na super friend-friend ko ngayon,” natatawa pang pahayag ni Carmi.
Gaganap na nanay ang veteran actress ng isa sa mga Panti sisters at magkakaroon sila ng mga nakakalokang eksena rito with Rosanna Roces na nanay din ng isa sa mga sisterakas. This is directed by Juna Lana at showing na sa Sept. 13 nationwide.
q q q
Proud na proud si Anne Curtis sa isa niyang scholar na sa kabila ng kapansanan ay nagawa pa ring makapagtapos ng pag-aaral.
Ipinakilala ni Anne sa madlang pipol si Sareena Calonzo, isa sa mga scholar ng charity project niyang Dream Machine. Ibinandera ng TV host-actress na nakapagtapos na ang dalaga kahit isa siyang deaf.
“She’s very willing kasi, even her mom, makikita mo na they really want her to succeed in life. And I want also para malaman din ng mga tao what is this disability that you have to make your dreams come true too.
“Na meron ka talagang makikilalang makakatulong sa ‘yo pero ikaw, like si Sareena alam kong magiging inspirasyon din siya sa iba,” kuwento ni Anne nang mag-guest sa nakaraang episode ng Magandang Buhay.
Ayon naman kay Sareena (sa pamamagitan ng sign language interpreter), naging motibasyon niya ang idolong si Anne para ipagpatuloy ang pag-aaral, at mas pataasin pa ang kanyang self-confidence. Nagtatrabaho siya ngayon bilang Customer Service Representative.
Nag-thank you din si Anne sa mga business establishments at kumpanya na tumatanggap ng mga PWD.
“Kaya nagpapasalamat din ako sa mga establishments na willing to give them a chance to work, to belong into the community. Sana mas marami pang mga establishments na maging gano’n at tumulong sa kanila,” chika ng misis ni Erwan Heussaff.
Tuluy-tuloy pa rin ang pagtulong ng Dream Machine ni Anne, “Marami pa (tulong), may malaki, maliit, nagkaroon kami ng giveaway ng BlackPink (concert tickets), mayroon din akong tinutulungan na scholar sa Mirriam College, meron din si Pio, I helped him also. And then we had a recent dream wedding,” sabi ng aktres.