2 patay, 7 sugatan sa aksidente

DALAWA tao ang nasawi at pito pa ang nasugatan sa magkahiwalay na aksidente sa lalawigan ng Quezon, Sabado ng umaga.

Dead on arrival sa ospital sina Angelo Villa Juan at Sally Elpa, matapos maasalpok ng kotse ang sinakyan nilang motorsiklo sa Tayabas City dakong alas-8:50, ayon sa ulat ng Quezon provincial police.

Minamaneho ni Villa Juan ang motor patungo sa direksyon ng Lucban, nang masalpok ng kasalubong na Toyota Camry (XMX- 518) na dala ni Fernando Tobias.

Dakong alas-9, pito katao naman ang nasugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa bahagi ng Maharlika Highway nas akop ng Brgy. Silangang Malicboy, Pagbilao.

Ang naturang insidente’y kinasangkutan ng isang Hyundai Accent sedan (UOH-964) na may apat na sakay, isang armored vehicle (WNW-808), at Isuzu van. (John Roson)

Read more...