Sue: Hindi po big deal sa akin ang makakita ng ari ng lalaki

SUE RAMIREZ AT JOAO CONSTANCIA

MAGALING umarte pero hindi magaling magsinungaling si Sue Ramirez lalo na kung tungkol sa personal niyang buhay.

Nabuking kasi na hiwalay na sila ng boyfriend niyang si Joao Constancia ng BoybandPH nang kumustahin sa kanya ang binata sa ginanap na presscon ng bago niyang pelikula, ang “Cuddle Weather”.

Pagkatapos ng question and answer ay kinorner ng members ng entertainment media ang aktres at tinanong kung bakit sila naghiwalay ng Kapamilya singer-actor.

“Personal issues, differences, views and opinions,” sagot ni Sue sa tanong namin kung ano ang dahilan ng kanilang break-up. Hirit pa namin, baka nagselos sa mga eksena nila ni RK Bagatsing sa “Cuddle Weather.” “Ay hindi naman po kasi alam naman niya ‘to,” sagot agad ng dalaga.

Anong klaseng differences ba ang hindi nila pinagkasunduan, sayang naman ang dalawang taon nilang relasyon? “Personal differences. Madaling sabihin na ‘yung differences, e, hindi nagma-matter after two years but you’ll see the effect. Nakikita mo na ‘yung effect sa ‘yo at sa kanya. Views and opinions about things.”

Sa tanong kung lie-low lang muna sila dahil parehong busy sa kanilang career, “Hindi ko pa po alam kasi medyo bago-bago pa so, we’ll see,” kaswal niyang sabi.

Kinlaro rin ni Sue na walang third party sa hiwalayan. Nagpasalamat din ang aktres dahil dumami ang kanyang trabaho nu’ng naghiwalay sila ni Joao.

“Thank God I had work, had a lot of work. My work has been helping me cope with and we still talk.

Hindi kami naghiwalay na hindi kami okay. Kanina (Huwebes ng gabi) magkausap lang kami,” say ng dalaga

Baka naman part lang ng promo ng “Cuddle Weather” ang break-up nila, “Naku hindi po, sana nga,” mabilis na sagot ni Sue.

Hirit namin kung may second chance pa kaya, “Siguro hindi natin masabi, it’s too early to tell. I don’t close my doors expecially to the people na nakapagpasaya at nagmahal sa akin.”

Pero kung si Joao ang tatanungin ay ayaw niya ng break-up, si Sue ang naghamon kaya ang pain ay nasa aktres kaya habang kausap siya ng media ay halatang pinipigilan niyang maluha, sabay sabing, “Change topic na tayo, ayoko pong magsinungaling sa inyo.”

Samantala, hindi pala isyu kay Sue kung makakita siya ng hubad na katawan ng lalaki, “Hindi po big deal sa akin na makakita ng t*t* kasi ang dad ko po may sakit at umiihi sa bote at ako po minsan ang nag-aasikaso kaya that thing is a normal thing for me. Nasa sa atin na lang iyon kung lalagyan natin ng malisya,” paliwanag ng dalaga.

Kaya nu’ng gawin nina Sue at RK ang sizzling scenes nila sa “Cuddle Weather” ay wala nang ilangan,

“Suprisingly po hindi, una kaming nagtrabaho ni RK sa set, nag-shoot po agad kami ng poster, hubad kaagad kami at maganda iyon for me kasi nakita mo na kaagad ‘yung kabuuan ng tao.

“No joke, wala naman kaming malisya sa katawan, kayo ba may malisya pa sa katawan n’yo? 2019 na, goodness gracious!

“Naging magandang tulay din po na be more comfortable with each other, kaya naging open kami kaagad sa isa’t isa hindi nagkailangang mag-usap sa mga kailangan naming gawin sa eksena,” kuwento ng dalaga.

Ang “Cuddle Weather” ay entry sa 3rd Pista Ng Pelikulang Pilipino na mapapanood simula sa Set. 3 produced ng Regal Films at line produced ng Project 8 corner San Joaquin Projects at idinirek ni Rod Marmol.

Read more...