Duterte tutol sa paglaya ni ex-Calauan mayor Sanchez

TUTOL maging si Pangulong Duterte sa napaulat na pagpapalaya kay convicted ex-Calauan mayor Antonio Sanchez.

Sinabi ni Sen. Bong Go na nagalit pa si Duterte nang malaman na kabilang si Sanchez sa posibleng mapalaya kasama ang mahigit 10,000 preso

“Nung nag-usap kami ng Pangulo talagang nagalit din siya at sinabi niya di rin siya sang-ayon at may mga binanggit  din siya na batas na minimum. In short ayaw din nya, galit po sya,” ayon pa kay Go.

Napatunayang guilty si Sanchez matapos naman ang panggagahasa at pagpatay kay  Eileen Sarmenta at pagpatay kay Allan Gomez, na kapwa estudyante ng University of the Philippines Los Baños (UPLB), noong 1993.

Read more...