Jose 25 years na: Boyoyong clown noon Comedy Lodi ngayon

JOSE MANALO

Nag-celebrate ng kanyang 25th anniversary sa showbiz ang tinaguriang Comedy Lodi na si Jose Manalo sa nakaraang episode ng Sunday PinaSaya.

Binalikan ng show kung paano siya nagsimula sa showbiz mula sa simpleng buhay niya sa Tondo, sa pagiging boyoyong clown, production assistant sa GMA, hanggang sa maging floor director and eventually naging host na rin ng Eat Bulaga.

“Siyempre, una sa lahat thank you Lord Jesus Christ and of course, Eat Bulaga, Tito, Vic, and Joey, Mr. (Tony) Tuviera, Ma’am Malou (Fagar), my manager. Hindi ako makakarating dito, hindi ako makakapasok sa showbiz kung hindi rin dahil sa Eat Bulaga.

“Sa Sunday PinaSaya, sa GMA, maraming salamat din po. Naging part kaming lahat na makapagpasaya ng tao, at sa pamilya ko, salamat,” aniya pa.

Read more...